News »


Filing of exam application for the 02 MARCH 2025 CSE-PPT in San Jose City

Published: November 19, 2024 04:02 PM



Maagang pinilahan nitong umaga, Nobyembre 19 ang unang araw ng pagtanggap ng aplikasyon para sa 02 March 2025 Career Service Examination Pen and Paper Test (CSE-PPT) sa Lungsod San Jose.

Tatanggap pa ng aplikasyon ang Civil Service Commission (CSC), katuwang ang City Human Resource Management Office (CHRMO) sa mga sumusunod na iskedyul sa WalterMart San Jose hangga't may natitirang slot:

November 20-22, 25-28
December 3-4

Personal na magsadya sa naturang lugar para makakuha ng slot at kumpletuhin ang requirements.

Paalala, FIRST-COME, FIRST-SERVED basis ang pagtanggap ng aplikasyon at isasara ito bago ang itinakdang deadline, oras na mapunan ang target na bilang ng mga aplikante.