News »


Halloween Fun Ride 2024

Published: October 31, 2024 12:50 PM



Naging gabi ng katatakutan ngunit kinaaliwan din ang naganap na Hallowen Fun Ride nitong Miyerkoles (Oktubre 30) na inorganisa ng Sports Development Office, kung saan naka-costume ang mga kalahok na nagbisikleta sa ilang pangunahing lansangan sa lungsod.

Binalot man ito ng dilim dahil sa malawakang brownout sa probinsiya kagabi, enjoy pa rin ang mga sumali rito.

Panalo sa Best in Costume - Individual Category si Jaydrill Soriano na naka-costume ng nakatatakot na clown na may angkas pang white lady.

Sa Group Category, nanguna ang The Purge, pangalawa ang Team Kapidal, at pangatlo ang Team Laspagan.

Samantala, nagwagi ng Special Award ang mga sumusunod:
- Best Couple: Mr. & Mrs. Acosta
- Sexiest Costume: Mariz Acosta
- Youngest Shocker: Princess Sofia Manuel
- Oldest Shocker: Leonardo Milad
- Most Creative: Fredie Samin
- Goriest Costume: Marvin Jay Timbol
- Scariest Costume: Jeah Rose Partido

Bukod dito, nag-uwi rin ng premyo ang mga mapalad na nabunot sa raffle draw.