International Coastal Clean-up Day
Published: September 24, 2024 02:23 PM
Nakiisa ang Lungsod San Jose sa International Coastal Clean-up Day nitong ika-21 ng Setyembre kung saan mahigit 80 volunteer ang sama-samang naglinis sa Sitio Tanibong, Brgy Abar 1st.
Nakibahagi rin si Mayor Kokoy Salvador sa malawakang paglilinis na pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), gayundin si City Coun. Dr. Susan Corpuz, mga opisyal at ilang residente ng Abar 1st, at DENR-CENRO Muñoz.
Ayon sa CENRO, umabot sa 530 kilo ng basura ang nakolekta sa naturang clean-up drive.
Hinihikayat naman ang mga mamamayan na maging masinop at huwag magtapon ng basura kung saan-saan, lalo na sa mga daluyan ng tubig.