Mga pasyente para sa Dermatologic Surgery Mission, sinuri
Published: November 20, 2024 12:24 PM
Isinagawa ang ikalawang screening para sa Dermatologic Surgery Mission kahapon (Nobyembre 19) sa City Health Office (CHO) para mabigyan ang mga San Josenio ng libreng operasyon ng cyst o bukol sa balat at pagtanggal ng seborrheic keratosis.
Nauna nang nagkaroon ng screening noong Nobyembre 4 sa pangunguna ni Dr. Dianne Paras, isang board-certified dermatologist na siyang sumuri sa mga pasyente.
Bahagi ito ng pagdiriwang ng Skin Week ng Philippine Dermatological Society (PDS) sa linggong ito, at proyekto ng Philippine General Hospital - Department of Dermatology, katuwang ang lokal na pamahalaan, D'well Dermatology, MA Conglomo Med Corp, at SMC Infrastructure.
Samantala, nakatakdang operahan ang mga kuwalipikadong pasyente sa Nobyembre 30 sa CHO.