News »


Mga tsikiting, nagpakitang gilas sa Children's Congress

Published: November 07, 2024 03:11 PM



Nagpagalingan sa pagtula, pagkulay (copy and color) at pag-zumba ang mga mag-aaral mula sa 60 Child Development Centers (CDC) sa lungsod nitong Oktubre 30-31 sa ginanap na Children's Congress na may temang "Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating a Safe Philippines".

Pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang naturang aktibidad para sa selebrasyon ng National Children's Month, at ang mga nagwaging tsikiting dito ang magiging kinatawan sa gaganaping patimpalak sa rehiyon ngayong Nobyembre.

Kaugnay nito, nanguna sa pagbigkas ng tula si Irvin Rome Tejada ng Lomboy CDC, sumunod si Jhiane Ava Masajo ng Porais-B CDC, at pangatlo si Larissa Iris Jacob ng Kaliwanagan CDC.

Sa Copy and Color contest, nakamit ng pambato ng Villa Joson CDC na si Harlette Louville Collado ang unang gantimpala, pangalawa si Azziah Reign Novalta ng Tayabo, at pangatlo si Misha Princel Callorina ng Abar 2nd.

Wagi naman ang Calaocan-A CDC sa Zumbaliit, sumunod ang Canuto Ramos, at pangatlo ang Caanawan.