Pagsasanay para sa mga Lupon Tagapamayapa ng mga Barangay
Published: October 21, 2024 03:47 PM
Binigyan ng pagsasanay ang mga miyembro ng Lupon Tagapamayapa ng mga barangay sa lungsod nitong Biyernes (Oktubre 18) sa Maharlika Resort, Brgy. Caanawan upang mabigyan sila ng sapat na kaalaman sa pagtugon sa iba't ibang isyu o reklamo na idinudulog sa kanilang nasasakupan.
Nagsilbing tagapagsalita sa Comprehensive Training for Lupon Tagapamayapa Members: Enhancing Conflict Resolutions and Protection Mechanism sina Atty. Christopher Pobre, Asst. City Prosecutor; Atty. Thristan Escudero; at PMSg. Marie Antonette del Rosario ng PNP San Jose City.
Tinalakay rito ang Katarungang Pambarangay, Local Council for the Protection of Children (LCPC), at paghawak sa mga kaso ng Violence Against Women and their Children (VAWC).
Inorganisa ang pagsasanay ng Community Affairs Office at sinuportahan naman ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para mas mapahusay ang serbisyo ng mga barangay sa taumbayan.