Pamaskong Pailaw sa Lungsod San Jose, muling nagningning
Published: November 12, 2024 02:53 PM
Pamaskong Pailaw sa Lungsod San Jose, muling nagningning
Nasilayan na ang taunang Pailaw ng lungsod na inabangan at dinagsa nitong Linggo ng gabi (Nobyembre 10) sa City Social Circle.
Sinimulan ang programa ng panalangin at pagbabasbas ng Belen ni Rev. Fr. Cayetano Nidoy Jr. at sinundan ito ng 10-second countdown na siyang hudyat ng opisyal na pagsindi ng Christmas lights sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador, kasama si Vice Mayor Ali Salvador at kanilang pamilya.
Kinagiliwan ng mga bisita ang pag-ulan ng confetti at artificial snow kasabay ng pagningning ng mga ilaw.
Bukod sa naggagandahang palamuti gaya ng higanteng Christmas tree, tunnel of lights, at iba't ibang selfie-spot, may fireworks display rin na lalong nagpaliwanag ng paligid.
Tampok din ang mga food bazaar sa palibot ng City Hall compound kaya naman enjoy na enjoy ang mga namamasyal dito.
Sa mensahe nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali, kapwa sila nagpasalamat sa Panginoon na naisakatuparan ang pagbubukas ng pailaw sa gabing iyon sa kabila ng hindi magandang lagay ng panahon.
Hinikayat naman ng Punong Lungsod na pasyalan ng mga taga-San Jose at taga-karatig bayan ang libreng atraksiyon dito.
Aniya, ang taunang pailaw ay hindi lamang nagbibigay liwanag kundi simbolo ito ng kaunlaran at mga biyayang natatamo ng lungsod.
Kinilala ng Department of Tourism - Central Luzon ang San Jose City bilang Christmas Capital ng Nueva Ecija noong 2018.