News »


Potable Water System (POWAS) - Villa Joson

Published: October 10, 2024 04:27 PM



Isa na namang Potable Water System (POWAS) ang opisyal na pinasinayaan sa Brgy. Villa Joson kaninang umaga, Oktubre 10.

Pinangunahan ni Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang konsehal ng lungsod, ang inagurasyon gayundin ang panunumpa sa tungkulin ng mga magsisilbing opisyal ng ikatlong POWAS doon.

Nagpasalamat naman ang magsisilbing tagapangulo nito na si Oliveros Felimon, pati na si Punong Barangay Engracia Sabatin.

Sa kabuoan ay mayroon nang 93 POWAS na pinasinayaan sa lungsod.