News »


Road Concreting Project

Published: October 01, 2024 04:48 PM



Pinasinayaan nitong umaga, Oktubre 1 ang bagong gawang kalsada sa Zone 2, Brgy. Sinipit Bubon na napondohan mula sa 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) na nakamit ng lokal na pamahalaan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kasama nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador sa inagurasyon ng naturang proyekto sina DILG Nueva Ecija Provincial Director Atty. Ofelio Tactac, Jr., DILG Central Luzon Regional Director Atty. Anthony Nuyda, at City DILG Director Ronnel Ubungen, gayundin ang ilang City Councilor.

Nagpahayag naman ng kaniyang pasasalamat si Punong Barangay Venancio Domingo sa pagpapasemento ng kalsada sa kanilang lugar na aniya ay malaking tulong sa mga residente roon, lalo na sa mga magsasaka.