300 senior citizens ng lungsod, binigyan ng ayuda
Published: July 31, 2019 01:10 PM
Tumanggap ang 300 senior citizens ng allowance na may kabuoang halaga na isang libo at walong daang piso (P1,800.00) para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo (P300.00 kada buwan) mula sa Lokal na Pamahalaan.
Alinsunod ito sa Ordinansa Bilang 18-147 na naipasa ng Sangguniang Panlungsod base sa pag-endorso ng Opisina ng Punong Lungsod. Inaprubahan ni Mayor Kokoy Salvador ang nasabing ordinansa noong Disyembre 2018.
Nakapaloob sa nasabing ordinansa na bibigyan ng social pension na tatlong daang piso (P300.00) kada buwan ang 300 senior citizens sa lungsod base sa mga sumusunod na kondisyon at kwalipikasyon:
- Indigent o mahirap na residente ng San Jose
- Hindi tumatanggap ng social pension mula sa DSWD
- Hindi tumatanggap ng pensiyon mula sa iba SSS, GSIS o anumang uri ng pensiyon
- Walang permanenteng pinagkakakitaan
- Walang tinatanggap na regular na tulong pinansiyal o suporta mula sa kapamilya o kamag-anak
Kaugnay nito, naatasan ang City Social Welfare and Development (CSWD) Office na siyang pumili ng mga kwalipikadong benepisyaryo batay sa mga itinakdang kondisyon.
Kabilang sa mga kahingian o requirements ay Certificate of Indigency mula sa barangay at Senior Citizen/OSCA ID.
Binisita rin ng mga kinatawan ng CSWD ang mga senior citizen sa kanilang mismong tahanan para maberipika ang kanilang mga kalagayan.
Ang mga susunod na allowance ay ibibigay kada tatlong buwan o quarterly, kaya aasahan sa Setyembre at Disyembre muling makatatanggap ng naturang ayuda ang mga senior citizen.
Bago matapos ang taon, muling susuriin ang kalagayan ng mga benepisyaryo para matiyak kung sila ay kwalipikado pa ring makatanggap ng allowance sa susunod na taon.