Abar Segundo, Dinayo ng K-Outreach
Published: August 03, 2019 03:27 PM
Makulimlim at maulan man ang panahon ay hindi pa rin nagpaawat ang K-Outreach sa paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan.
Nitong Biyernes, ika-2 ng Agosto, sa Brgy Abar 2nd naman nagbaba ng serbisyo ang programa ng Lokal na Pamahalaan kung saan nagpamigay ng libreng bigas, mga seedlings ng fruit trees, mga gamot, mga pagkain, at marami pang iba. Bukod sa mga ito, nagbigay din sila ng libreng konsultasyon, libreng gupitan at masahe, storytelling para sa mga bata, pagbabakuna ng mga alagang aso, medical check-up, at pagpapayo sa family planning.
Kasama sa paghahatid ng serbiyo ang Punong Lungsod Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang, at mga konsehales ng Sangguniang Panlungsod na sina Doc Susan Corpuz, Atty. Ronald Lee Hortizuela, Willie Nuņez Niņo Laureta, , Roy Andres.
Nagtapos sa isang masayang boodle fight ang aktibidad na nilahukan naman ng mga opisyales at mga mamamayan kasama ang mga lider ng barangay sa pangunguna ni Kapitan Jerold Aquino.