Adolescent-Friendly Health Facilities Awarding
Published: January 26, 2023 01:24 PM
Pormal na iginawad nitong Enero 24 ng Department of Health (DOH) ang pagkilala bilang adolescent-friendly health facilities (AFHF) ang Rural Health Units (RHU) I, III, IV ng lungsod, pati na ang Teen Information Center, Ospital ng Lungsod ng San Jose, at San Jose City General Hospital.
Ang AFHF ay isang pasilidad na nagbibigay ng pantay-pantay, accessible, katanggap-tanggap, naaangkop, epektibo, at de-kalidad na komprehensibong pangangalaga at mga serbisyong pangkalusugan sa isang adolescent-friendly environment.
Ayon kay Maria Theresa Vizcarra, City Government Assistant Department Head I ng City Population Office, malaking bahagi ng pagkamit ng nasabing pagkilala ang pagtataguyod ng lokal na pamahalaan ng mga programa para tugunan ang maagang pagdadalantao o teenage pregnancies dito.
Aniya, alinsunod ito sa Executive Order No. 141 s. 2021 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng mga hakbang para solusyunan ang tumataas na bilang ng teenage pregnancies sa bansa.
Ibinahagi rin ni Vizcarra na nakapagtala ng halos 200 kaso ng teenage pregnancy sa lungsod batay sa huling datos na nakalap noong 2022, kaya naman aktibo ang LGU sa implementasyon ng iba’t ibang programang pang-kabataan dito.