Araw ng Kawani 2016
Published: September 26, 2016 05:42 PM
Mga “Lingkod Bayani”, kinilala
Tampok sa selebrasyon ng ika-116 na anibersaryo ng Serbisyo Sibil o Civil Service ang pagkilala sa mga natatanging “Lingkod Bayani” ng lokal na pamahalaan.
Pinarangalan bilang Natatanging Kawani si Josephine Amador ng City Accounting Office, Best in Attendance naman si Freddie Manzano ng City Veterinary Office at iginawad naman ang Kagandahang Asal Award kay Gloria Hermoso ng City Accounting Office.
Tampok din dito ang iba't ibang aktibidad gaya ng Zumba exercise at fun games na aktibong sinalihan ng mga kawani, at may libreng masahe pa para sa lahat.
Ipinaabot naman ni Mayor “Kokoy” Salvador ang kanyang pagbati sa mga nanalo at taos pusong sinabing saludo siya sa lahat ng mga kawani ng lokal na pamahalaan at hinimok silang ipagpatuloy ang kasipagan at maayos na pagsisilbi sa mga mamamayan ng San Jose. (Jennylyn N. Cornel)