News »


Gulayan sa Bakuran (Brgy. Caanawan at Brgy. Culaylay)

Published: May 15, 2023 01:48 PM



May Gulayan sa Bakuran na rin sa Brgy. Caanawan kung saan sama-samang nagtanim ang asosasyon ng Potable Water System (POWAS) dito ng sili, talong, at kamatis kaninang umaga (May 15).

Inilunsad din ang parehong proyekto sa Brgy. Culaylay nitong Biyernes (May 12) sa pangunguna ni Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang konsehal ng lungsod, opisyal ng barangay, at asosasyon ng POWAS.

Bago magtanim, pinaalala ni Vice Mayor Ali sa mga mamamayan na sana ay alagaan nila ang munting gulayan upang sa panahon ng ‘gawat’ ay mayroon silang aanihin.