News »


K Outreach sa Brgy. A. Pascual

Published: May 14, 2024 04:32 PM



Dumayo sa Brgy. A. Pascual ngayong araw, Mayo 14 ang K Outreach Program ng lokal na pamahalaan, kasama sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at ilang konsehal ng lungsod.

Handog sa mga mamamayan ang mga serbisyong medikal at dental, bigas at iba pang pagkain, reading glasses, seedlings, serbisyo at gamot para sa mga alagang hayop, iba't ibang aktibidad para sa mga tsikiting, at marami pang iba.

May optical mission din at libreng pagkuha ng sedula na handog ng opisina ni Vice Mayor Ali.

Bibisita naman ang K Outreach sa Sinipit Bubon sa darating na Biyernes, Mayo 17.