Ayuda Mula sa NGCP
Published: April 24, 2020 12:00 AM
Nakatanggap ng ayuda mula sa NGCP ang Lokal na Pamahalaan.
Bilang pagtugon sa panawagan ng displaced transport sector, minabuti ng Lokal na Pamahalaan na ilaan ang mga ito sa humigit kumulang na anim na libong TODA drivers na may prangkisa at jeepney drivers (taga-San Jose at bumibiyahe ng rutang mula San Jose) na pawang binawalang mamasada alinsunod sa ECQ guidelines.
Ayon sa Punong Lungsod Kokoy Salvador, pupunuan ng Lokal na Pamahalaan ang kakulangan ng ayudang ito upang mabigyang lahat ang mga nasabing drivers.
Kaugnay nito, nakatanggap din ng 1000 food packs mula sa opisina ni Sen. Bong Go na ipamamahagi rin sa transport sector.