Ayuda para sa mga Sinalanta ng ASF, Ipinamahagi
Published: June 16, 2020 12:00 AM
Ipinamigay nitong umaga, June 16, ng Lokal na Pamahalaaan ang financial assistance sa mga rehistradong nag-aalaga ng baboy na sinalanta ng African Swine Fever (ASF) bago pa man dumating ang krisis na dulot ng COVID-19.
Ang ayuda ay galing mismos sa pondo ng Lokal na Pamahalaan, sapagkat hindi pa bumababa ang tulong-pinansiyal mula sa national. Sa kabuuan, umabot sa 1,347,000 pesos ang pinaghati-hatiaan ng 98 hog raisers, depende sa dami ng alagang baboy.
Sa direktiba ng Punong Lungsod Kokoy Salvador, matatandaang agad na binuo ang Task Force laban sa ASF sa lungsod hindi pa man nagkakaroon ng kaso nito, kaya naman napigilan din ang malawakang pagkalat ng sakit na sumasalanta sa mga alagaing baboy. Pinangunahan ng City Veterinarian Dr. Rustan Patacsil ang Task Force ASF. Isa sa naging resolusyon ng Task Force ang pagbibigay ng ayuda mula sa pondo ng Local Disaster Risk Reduction & Management Office.