News »


Bagong Administration Building ng Public Market Office

Published: July 01, 2022 01:00 PM



Pinasinayaan ang bagong Administration Building o gusali ng Public Market Office (PMO) sa isinagawang Ribbon-Cutting and Turnover Ceremony kaninang umaga (Hulyo 1) na pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador, kasama si PMO-OIC Danilo Ariem at mga kawani ng nasabing tanggapan.

Nagbigay rin ng suporta si Vice Mayor Ali Salvador na nanguna naman sa pagpapasinaya ng bagong pay restroom sa palengke.

Samantala, nag-alay naman ng panalangin at binasbasan ni Rev. Fr. Cayetano Nidoy Jr. ang naturang gusali.