News »


Bagong Barangay Hall ng Crisanto Sanchez

Published: June 19, 2023 01:42 PM



May bago nang 'tahanan' ang Brgy. Crisanto Sanchez matapos pasinayaan ang kanilang barangay hall nitong ika-15 ng Hunyo.

Pinangunahan nina Punong Lungsod Kokoy Salvador, Pangalawang Punong Lungsod Ali Salvador, at Punong Barangay Darwin Aguinaldo ang ribbon-cutting ceremony, habang si Rev. Fr. Vic Kevin Ferrer naman ang nagbasbas sa bagong gusali.

Labis na kasiyahan at pasasalamat ang ipinahayag ni Aguinaldo kina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali dahil sa suporta at pagmamahal nila sa Brgy. Crisanto Sanchez.

Ibinahagi rin ng Punong Barangay ang magandang balita na planong pagpapatayo ng bagong Daycare Center at opisina ng mga senior citizen doon sa susunod na taon.

Kinumpirma naman ito ni Mayor Kokoy at kanyang iminungkahi sa Sangguniang Panlungsod (SP) na aprobahan ito sa 2024 budget para maisakatuparan ang plano.

Ayon naman kay Vice Mayor Ali, makaaasa ang barangay sa SP sa pagtupad ng kanilang mga pangarap at susuportahan nila ang magagandang proyekto para maserbisyuhan nang mas maayos ang mga residente roon.