News »


Bagong K Building sa Sampugu Elementary at High School, pinasinayaan

Published: August 15, 2022 04:00 PM



Saktong-sakto para sa nalalapit na pagbubukas ng klase ang isinagawang pagpapasinaya sa dalawang palapag na gusali sa Sampugu Elementary and High School, Barangay Kita-Kita ngayong araw, Agosto 15.

Pinangunahan nina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at Schools Division Superintendent (SDS) Johanna Gervacio ang ribbon-cutting ceremony; habang si Pastor Nelson Vicente ng Free Christian Church ang nanguna sa pagdarasal o dedication ceremony sa K Building na may walong silid-aralan.

Suportado rin ang programa nina Punong Barangay Gerry Dulatre, Sampugu School Principal Ma. Evelyn Reyes, at ilang kawani ng DepEd.

Sa bahagi ng mensahe ni Mayor Kokoy, sinabi niya na wala nang ibang solusyon sa kahirapan kundi ang edukasyon kaya naman nagpupursige ang kaniyang administrasyon na makapagpagawa pa ng mga silid-aralan na pakikinabangan ng mga kabataan.

Taos-pusong pasasalamat naman ang pahayag ni SDS Gervacio dahil sa masidhing suporta ng lokal na pamahalaan sa larangan ng edukasyon.