News »


Bagong POWAS sa Brgy. Palestina

Published: June 09, 2023 01:07 PM



Pormal na pinasinayaan nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod (SP) ang Potable Water System (POWAS) sa Sitio Tumana, Brgy. Palestina kahapon, Hunyo 8.

Pinangunahan din ng Punong Lungsod ang panunumpa ng mga opisyal na mamamahala sa naturang POWAS, kung saan magsisilbing tagapangulo si Benjamin Verdadero.

Paalala ni Mayor Kokoy, mahalin at pakaingatan ang POWAS doon para magamit ito nang pangpamatagalan.

Dagdag naman ni Vice Mayor Ali, magkakaroon din ng Gulayan sa Bakuran doon na isinusulong ng SP para may mapagkukunan ng pagkain ang mga residente.