News »


Bagong San Jose, Mas Handa na sa Disaster

Published: May 22, 2017 10:08 AM



Bilang dagdag na kahandaan para sa sakuna, bumili ng bagong sasakyan ang lokal na pamahalaan para sa MAKISIG RESCUE 3121 ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Ang bagong rescue vehicle ay isang 4x4 na handa at kayang tumugon sa panahon ng baha o bagyo at kayang umakyat sa matataas na lugar.
Bukod sa sasakyang pang-rescue, mayroon pang anim na libong handbook tungkol sa kahandaan sa kalamidad – ang “Disaster-Proof na ang Bagong San Jose” na ipamimigay sa mga mag-aaral ng elementarya at senior high school.

Ang naturang libro ay naglalayong maturuan at gabayan ang mga mag-aaral na maging handa at alerto sa panahon ng kalamidad gaya ng lindol, baha, bagyo, sunog at iba pang di inaasahang sakuna. Ang proyektong ito ay inisiyatiba ng CDRRMO sa ilalim ng pamumuno ni Executive Asst. V Amor Cabico.

-Melody Z. Bartolome)