News »


Bagong Sto. Niño 1st Day Care Center, Pinasinayaan

Published: July 12, 2022 11:20 AM



Pinasinayaan kahapon (Hulyo 11) ang bagong Sto Niño 1st Day Care Center, kung saan pinangunahan ni Vice Mayor Ali Salvador ang ribbon-cutting ceremony, kasama sina City Councilor Vanj Manugue at Sto Niño 1st Barangay Captain Roderick de Leon.

Nanguna naman sa pagdarasal at pagbabasbas ng naturang silid aralan si Ptr. Rogelio Andal.

Nagpahayag din ng kanyang pagbati si Vice Mayor Ali at siniguro ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan katuwang si Mayor Kokoy Salvador sa edukasyon ng mga kabataan.

Bukod sa Sto Niño 1st Day Care Center, nauna nang pinasinayaan ang bagong Delaen Daycare Center sa Brgy. Abar 2nd at Calaocan Daycare Center nitong Hulyo 4.

Sa kasalukuyan, may 60 nang Daycare Center sa lungsod.