News »


BFP San Jose, may bagong Fire Marshal

Published: July 26, 2022 05:00 PM



Itinalaga bilang bagong Fire Marshal sa lungsod si CInsp Josie Gumiran Lising kapalit ni CInsp Augusto M. Yalung.

Personal na binisita ni CInsp Gumiran si Mayor Kokoy Salvador sa Tanggapan ng Punong Lungsod nitong Hulyo 25 at nagpahayag ng patuloy na pakikiisa sa lokal na pamahalaan at de-kalidad na serbisyo sa lungsod.

Tubong Mexico, Pampanga ang bagong hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) San Jose na dating nagsilbi sa BFP Balanga, Bataan at 24 na taon na sa serbisyo sa naturang ahensiya.

Siya ay nagtapos ng kolehiyo sa Mary Chiles College sa Sampaloc, Manila at nagtapos din ng Master in Public Administration sa Southwestern University, Cebu City.

Narito naman ang BFP San Jose Hotlines: 
Sun: 0925 453 0777
Globe: 0927 402 0999
Landline: (044) 940 5258