News »


BIDA MSMEs Negosyo Center Trade Fair

Published: December 01, 2021 01:00 PM



Bukas na sa publiko ang BIDA MSME’s Negosyo Center Trade Fair ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Waltermart San Jose, simula ngayong araw, Disyembre 1 at magtatagal hanggang Disyembre 5.

Pinangunahan nina Punong Lungsod Kokoy Salvador at City Cooperative Development Officer Ma. Cristina Corpuz, kasama ang mga kinatawan ng DTI Region 3 ang ribbon cutting ceremony.

Makikita rito ang iba’t ibang produkto  hindi lang ng San Jose, kundi pati na ang mga produktong kilala sa Nueva Ecija, gaya ng bigas, dairy products at iba pang pagkain, mga panregalo, pasalubong o souvenir items, at marami pang iba.

Bahagi ng programa ng DTI ang naturang trade fair upang makatulong sa mga micro, small & medium enterprises (MSMEs) na makabenta at makabawi mula sa nararanasang epekto ng pandemya.

Inaasahan ding sa ganitong pamamaraan ay muling mabubuhay ang lokal na ekonomiya.