News »


Brgy. Tondod, dinayo ng K Outreach Program

Published: July 16, 2018 05:20 PM



Dinagsa ng mga residente ng Brgy. Tondod ang K Outreach Program sa kanilang barangay nitong nakaraang Biyernes (Hulyo 13), kung saan naghatid ang Lokal na Pamahalaan ng mga libreng serbisyo para sa mamamayan.

Kasama pa rin sa K Outreach ang libreng medical at dental check-up, gupit, masahe, punlang puno at gulay, contraceptives, iodized salt, pagpoproseso ng birth certificate, bigas para sa Food for Work Program at marami pang iba.

Muling nakibahagi ang Generika Pharmacy sa nasabing programa sa pamamagitan ng libreng blood sugar testing at BP monitoring para sa mga residente.

Di rin mawawala dito ang personal na pakikipag-usap ni Mayor Kokoy Salvador sa mga residenteng nais iparating at mabigyang pansin ang kanilang saloobin.

Sama-sama ring pinagsaluhan nina Mayor Kokoy, ilang kawani ng LGU at mga residente ang inihandang Boodle Fight ng Mobile Kitchen.

Pakaabangan naman ang K Outreach Program na dadayo sa Brgy. Kita-Kita sa susunod na Biyernes (Hulyo 20).