News »


Brigada Eskwela 2019

Published: May 21, 2019 04:51 PM



Umarangkada na ang programang Brigada Eskwela ng Department of Education (DepEd) nitong ika-20 ng Mayo na may tema sa taong ito na “Matatag na Bayan para sa Maunlad na Paaralan”.
Isinasagawa ang taunang Brigada Eskwela bilang paghahanda sa mga paaralan para sa nalalapit na pasukan.
Nagtipon-tipon muna sa Culaylay Elementary School ang mga guro mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan ng ating lungsod, kasama ang iba pang ahensiya ng gobyerno at ilang samahan at sinimulan doon ang parada patungong Sto. Niño 3rd National High School kung saan ginanap ang panimulang programa.
Pagkaraan nito ay idinaos ang Brigada Eskwela sa bawat pampublikong paaralan at dito ay tulong-tulong ang lahat para sa paglilinis at pagpapaganda ng paaralan para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Magtatagal ang Brigada Eskwela hanggang Mayo 25. Inaasahan namang matatapos ang paglilinis at paghahanda sa mga paaralan sa loob ng dalawang linggo bago ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 3.