Buwan ng Nutrisyon
Published: July 04, 2022 01:00 PM
Pormal na inilunsad ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng Tanggapan ng Nutrisyon ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon na may tema ngayong taon na “New normal na nutrisyon, sama-samang gawan ng solusyon!”.
Idinaos ito kasabay ng programa sa pagtataas ng watawat kaninang umaga (Hulyo 4) sa Bulwagang Sosyal ng munisipyo.
Kaugnay nito, nagpahayag ng kanyang pagbati para sa 48th Nutrition Month si Vice Mayor Alexis “Ali” Salvador.
Nagbigay naman ng espesyal na mensahe para sa okasyon si Konsehal Doc Susan Corpuz. Aniya, mahalagang alagaan ang sarili upang maging malusog, may pandemya man o wala. Paalala ng Konsehal, bukod sa pagbibigay ng tamang nutrisyon at nararapat na bakuna para sa mga bata, kailangan ding isaalang-alang ang kanilang oral/dental health.
Sinang-ayunan ito ni Konsehal Patrixie Salvador-Garcia na nagsabing sa paghakbang sa new normal, huwag kalimutan ang kahalagahan ng magandang nutrisyon at paghain ng masustansiyang pagkain.
Samantala, naghandog din ng pampasiglang bilang sa programa ang ilang Barangay Nutrition Scholars (BNS) at nagkaroon pa ng pamimigay ng regalo sa 19 na ‘first time mom’ na exclusively breastfeeding o nagpapasuso. Nakatanggap sila ng food pack na may kasamang 10 kilong bigas.
Inaasahang iba't iba pang aktibidad at programa ang isasagawa ng Tanggapan ng Nutrisyon sa lungsod sa buong buwan ng Hulyo.