CCTV Monitoring sa Lungsod, Pinaigting
Published: May 29, 2017 04:50 PM
Bilang pagsasa-ayos sa seguridad ng lungsod at para mapigilan ang kriminalidad, patuloy ang Public Order and Safety Office (POSO) sa isinasagawang pagkakabit ng Closed Circuit Television (CCTV) Camera sa iba't ibang lugar.
Katunayan gumagana na ang mga naikabit na CCTV sa Phase 2 kung saan sakop nito ang buong palengke at hagip naman ang Metro Bank, Savemore, Tierra Building, San Roque, Sto. Niņo 1st hanggang PNB.
Inaasahan namang susunod na ang Phase 3 na kakabitan ng CCTV na ilalagay sa mga main road, kung saan mahahagip nito ang entry at exit point within City limit.
Matatandaang nauna nang naikabit ang mga CCTV sa Phase 1 sa Maharlika Hi-way kung saan apat na corner ang nahahagip nito kabilang na ang Bonifacio St. at Rizal St.
Kaugnay nito mahigpit namang minomonitor sa command center ang mga kuha ng CCTV sa pamamagitan ng mga operator ng POS upang mabigyan ng agarang aksyon ang mga hindi kanais-nais na pangyayari.
Ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng San Jose ay nagkabit ng mga CCTV sa mga pampublikong lugar bilang isa sa Bagong San Jose programs ni Mayor Kokoy Salvador. Ito ay bahagi ng kanyang adbokasiya para sa kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng mga San Josenians.
(Ella Aiza D. Reyes)