CHO, nagsagawa ng International AIDS Candlelight Memorial
Published: May 24, 2017 10:02 AM
Upang higit pang mapalawig ang public awareness dito sa lungsod hinggil sa Sexually Transmitted Infections (STI) at Human Immuno-deficiency Virus (HIV) at minsan pa’y alalahanin ang mga namatay sa sakit na AIDS, nakiisa sa International AIDS Candlelight Memorial ang City Health Office (CHO) kahapon (May 22).
Dapat ay sa City Social Circle gaganapin ang pagsisindi ng kandila subalit dahil sa maulan na panahon, nagsama-sama na lamang ang mga empleyado ng nasabing tanggapan sa City Health Conference Room kung saan sumentro ang programa sa tema nitong: “Ending AIDS Together”.
Bukod sa sabay sabay na pagsisindi ng kandila, naghandog rin sila ng panalangin para sa alaala ng mga namatay dahil sa naturang sakit.
Layunin nitong mabawasan at maiwasan ang patuloy na dumadaming kaso ng HIV-AIDS at mawala ang stigma at diskriminasyon na dala ng sakit na ito.
Dinaluhan naman ni City Mayor Kokoy Salvador ang programa kasama si Konsehal Patrixie Salvador at City Health Officer Dra. Marissa Bunao-Henke.
-Ella Aiza D. Reyes