News »


City Day Misa ng Pasasalamat

Published: August 10, 2022 10:00 AM



Sinimulan ang espesyal na araw na ito sa lungsod ng isang Misa ng Pasasalamat sa Katedral ni San Jose kaninang umaga.

Kasama ni Mayor Kokoy Salvador ang kanyang pamilya, gayundin ang mga kawani ng lokal na pamahalaan na nagsimba at nag-alay ng panalangin.

Ipinagdiriwang ngayong Agosto 10 ang ika-53 Araw ng Lungsod San Jose, kaya’t iba’t ibang programa at aktibidad ang inihanda lokal ng pamahalaan para ipagdiwang ang araw na ito.

Kasalukuyang may Job Fair at Trade Fair sa Pag-asa Sports Complex hanggang alas singko ng hapon, at may PRC at NBI Caravan naman sa City Hall, pati na libreng pagrerehistro ng kapanganakan sa Local Civil Registry (LCR) Office.

Hahandugan din ng regalo ang mga ‘City Day Baby’ o sanggol na isisilang sa araw na ito.

Namigay naman ang City Agriculture Office sa Demo Farm Malasin ng mga seedling, buto ng gulay, at tilapia fingerlings, habang ang PNP ay nagsasagawa ng License To Own and Possess Firearm (LTOPF) Caravan sa Kambal Pag-asa, Sto. Niño 1st.