News »


City Veterinary in Action - Anti-Rabies Mass Vaccination

Published: February 22, 2023 01:58 PM



City Veterinary Office in action:

Patuloy ang pagbabakuna kontra rabies sa mga alagang aso at pusa.

Kahapon (Pebrero 21), nakapagbigay ng naturang serbisyo sa Brgy. Parang Mangga at nag-iikot naman ngayong araw hanggang bukas ang mga bakunador sa Tondod, at sa Biyernes ay naka-iskedyul sa Sinipit Bubon.

Isinasagawa ang pagbabakuna sa iba’t ibang barangay tuwing Martes hanggang Biyernes at inaasahang maibababa ang naturang serbisyo sa lahat ng barangay sa lungsod hanggang Abril.

Mayroong registration fee na sampung piso lamang kada alagang aso o pusa na babakunahan.