Cook Fest and Oath taking of San Jose City Federation of PWDs
Published: July 25, 2022 01:00 PM
Nagpamalas ng galing sa pagluluto ang mga taong may kapansanan o person with diability (PWD) sa isinagawang Cook Fest nitong Hulyo 22 sa Pag-asa Sports Complex.
Hinati sa apat na kategorya ang paligsahan sa pagluluto, kung saan pumatok sa panlasa ng mga hurado ang putaheng inihanda ng mga sumusunod:
PUSO NG SAGING:
1) Cesar Corpuz (R. Rueda Sr.)
2) Aurelia Sapaula (Malasin)
3) Jessica Basilio (Kita-Kita)
MANOK:
1) Aurora Antonio (Tulat)
2) Crisanta Martin (Calaocan)
3) Edna Baldovino (Camanacsan)
BABOY:
1) Rochelle San Juan (Sto. Niño 2nd)
2) Jun Agustin (Sto. Niño 1st)
3) Wilfredo Padua (Sto. Niño 3rd)
ISDA:
1) Bella Matic (San Juan)
2) Adelaida Mateo (Pinili)
3) Marikit Fontanilla (Porais)
Inorganisa ang naturang aktibidad ng PWD Affairs Office (PDAO) para sa pagdiriwang ng 44th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week na may temang “Pamahalaan kabalikat sa pagtupad ng pantay na edukasyon, trabaho, at kabuhayan tugon sa pagpapalakas ng taong may kapansanan”.
Bukod sa Cook Fest, isinagawa rin dito ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng San Jose City Federation of PWDs sa pangunguna ni City Councilor Patrixie Salvador-Garcia.
Nanumpa bilang Pangulo ng pederasyon si Wilfredo Padua at Pangalawang Pangulo naman si Marivic Alcantara, habang si Rochelle San Juan ang magsisilbing Kalihim at si Jessica Basilio ang Ingat-Yaman.
Samantala, nakiisa rin sa aktibidad si Vice Mayor Ali Salvador at nagpahayag ng kanyang patuloy na suporta sa mga programa ng PWD, kasama si Mayor Kokoy Salvador at Sangguniang Panlungsod.
Dumalo rin dito angiba pang konsehal ng lungsod, pati na si Mister International Philippines Top 20 finalist Ivan Myles Sibay na nagsilbing hurado sa Cook Fest.
Ipinagdiriwang taon-taon ang NDPR Week tuwing Hulyo 17-23.