News »


Cook Fest at Little Miss Nutrition 2022

Published: July 20, 2022 11:25 AM



Pasarapan at pagalingan sa pagluluto ang ipinamalas ng mga nanay sa isinagawang Cook Fest sa Barangay Pinili kahapon (Hulyo 19), bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon.

Nanguna sa cook fest si Leonora Gayo, ikalawa si Aize Corpuz, ikatlo si Emylyn Lacaban, at ika-apat si Anjanette Saule.

Bukod sa mga nanay, nagpakitang gilas naman sa pagrampa ang mga tsikiting na may suot na ibat ibang gulay sa Little Miss Nutrition 2022. 

Kaugnay nito, naiuwi ni Penelope Belmonte ang titulo, habang 1st runner-up naman si Bella Mae Capuno, 2nd runner-up si Janna Doctolero, at 3rd runner-up si Irish Jewel Acosta.

Sinuportahan naman ang programa nina Konsehal Mawee Munsayac, Doc Susan Corpuz, at Lucia Naboye, kasama ang mga opisyal ng Barangay Pinili at Barangay Nutrition Scholars (BNS).