News »


Cookfest sa Culaylay

Published: July 26, 2022 12:30 PM



Iba’t ibang katakam-takam na putahe ang inihain ng pitong grupo ng kababaihan sa isinagawang Cooking Contest sa Brgy. Culaylay kahapon ng umaga (Hulyo 25) bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng 48th Nutrition Month ngayong Hulyo.

Kanya-kanyang diskarte sa pagluluto ang ipinamalas ng mga kalahok para pasarapin ang putahe gamit ang iba’t bang uri ng gulay gaya ng labong, kangkong, petchay, talong, kalabasa, at patatas.

Kaugnay nito, kampeon ang inihandang ‘Dinengdeng ti Ilokano with Shanghai ala Labong’ ng grupo mula sa Zone 6 na kinabibilangan nina Anita Veloria, Ma. Julieta de Guzman, Norayda Guieb, at Michelyn Radam.

Samantala nakapag-uwi naman ng consolation prizes ang mga hindi pinalad na manalo.