News »


Cookfest sa Porais

Published: July 27, 2022 01:30 PM



Ibat ibang klase ng luto ng tokwa o tufo ang inihain ng mga kalahok sa ginanap na cookfest sa Brgy. Porais nitong umaga (Hulyo 27) para sa selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon.

Mula sa limang grupo na nagtagisan ng galing sa pagluluto, nanguna ang grupo ng Day Care A nina Jelb Nielle Romnard Ariem, Josel Rose Maximo, at Eloisa Reyes na naghanda ng tofu croquettes.

Nakuha naman ng grupo mula Zone 1-B ang ikalawang puwesto na nagluto ng tokwa ala king, ikatlo ang Zone 3-A na naghanda ng sinabawang tokwa, sumunod ang Zone 6 na nagluto ng spicy tofu ball, at Team BHW na naghain ng sizzling tofu.

Idinaos ang naturang aktibidad sa pangunguna ng Tanggapan ng Nutrisyon katuwang ang mga Barangay Nutrition Scholar (BNS) at Pamahalaang Barangay ng Porais.