News »


Coop Leaders sa lungsod, bubuo ng unyon

Published: July 09, 2018 01:54 PM



Muling nagsama- sama sa ikatlong pagkakataon ang mga lider at kinatawan ng 16 kooperatiba sa lungsod nitong Hulyo 3 upang pag - usapan ang pagbubuo ng unyon.

Inaasahang bago matapos ang taong ito ay mabubuo na ang Cooperative Union of San Jose City na pamumunuan ni Interim Chairman Jesus P. Vidad.

Kailangan ding maisumite kaagad ang ilang rekisitong nabanggit gaya ng Board and Assembly resolution, pagbabayad ng membership fee na Php 2,000 at annual dues na isang libong piso bawat kooperatiba at iba pa.

Aktibo namang nakibahagi sa talakayan ang bawat lider ng kooperatiba kung saan ipinaliwanag nina Cooperative Development Specialist II na sina Mercholyn Lubiano at Emmanuel Reyes kasama ang tatayong manager ng Unyon, Nancy Mulles ang mga paghahandang dapat gawin sakaling mabuo na ang unyon.

Layunin ng mabubuong Unyon na magkaroon ng pagkakaisa at mapatatag pa ang samahan at upang mas mapalago pa ang lahat ng kooperatiba sa lungsod.