Cross Country Race and Fun Ride, umarangkada sa Pagibang Damara
Published: April 28, 2018 11:44 AM
Nagpakitang-gilas sa bilis ng pagbibisikleta ang mahigit 300 siklista nitong Abril 25 bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival 2018 sa lungsod.
Nagsimula ang Fun Ride sa City Social Circle at mula Kita-kita naman ay sinimulan na ang maaksyung karera at dumaan sa matatarik na bundok ng Batong Lusong papuntang Villa Floresta, Sitio Barakbak, Sto. Nino 3rd, Tulat, Palestina, San Agustin, Kaliwanagan, Tayabo hanggang Pag-asa Sports Complex, Malasin na nagsilbing finish line.
Nagmula pa sa iba’t ibang lalawigan gaya ng Pangasinan, Nueva Vizcaya, Manila, Baler at iba pa ang mga sumali sa karera na inabangan ng mga San Josenian at mga karatig bayan.
Hinati ang Cross Country Race sa limang kategorya. Kaugnay nito, nauna sa finish line si Placido Valdez ng Talavera sa 50 and above category; samantalang si Arnold Diniano naman sa 41-50 category.
Panalo rin si Buts Miranda sa 21-30 category; si Ofiana Jhun Buag sa 20 and under category at sa women’s category naman ay si Joyce del Socorro.
Tumanggap ng plake at cash prize ang mga nanalo.
Dumalo sa awarding ceremony si butihing Punong Lungsod Kokoy Salvador upang magpakita ng suporta at magbigay ng mensahe.
Ayon kay Mayor Kokoy, layunin ng karera na ipalaganap ang magandang maidudulot ng pagbibisikleta sa ating kalusugan at palakasin pa ang kampanya sa paggamit ng bisikleta bilang alternatibong uri ng transportasyon para makatulong din sa ating kalikasan.
Naging matagumpay ang naturang aktibidad sa pangunguna ng Sports Development Office katuwang ang lokal na pamahalaan.
(Jennylyn N. Cornel)