DILG, kinilala ang Drug Rehabilitation Program ng lungsod
Published: June 30, 2022 03:52 PM
Ginawaran ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng Sertipiko ng Pagkilala ang Lungsod San Jose dahil sa pagiging huwaran nito sa pagpapatupad at pagpapatuloy ng Community-Based Drug Rehabilitation and Aftercare Program dito.
Nagresulta ang nasabing programa sa rehabilitasyon ng mahigit isang libong drug users, na isa sa may pinakamataas na bilang, mula taong 2017 hanggang 2021.
Kinikilala ng kagawaran ang hindi matatawarang kontribusyon ng lokal na pamahalaan sa layunin ng bansa na makamit ang isang drug-fee na komunidad.
Kaugnay nito, iginawad ni Anti-Drug Abuse Councils o ADAC Legal Assistant Jayson Flores, kasama si City DILG Director Elria Hermogino ang parangal kay Mayor Kokoy Salvador nitong ika-22 ng Hunyo sa Tanggapan ng Punong Lungsod.