Eleksyon ng �little officials", isinagawa
Published: July 19, 2019 03:58 PM
Nagtipon at nagpulong nitong Miyerkules, ika-17 ng Hulyo, sa Learning and Development Office, City Hall Building, ang mga lider mula sa dalawampung (20) pampubliko at pribadong sekondaryang paaralan sa lungsod upang mamili ng mga magiging opisyal na mauupo para sa nalalapit na Lingggo ng Kabataan. Ito ay kaugnay din sa nalalapit na pagridiwang ng San Jose City Day nitong darating na buwan ng Agosto.
Para mapili ang pinakamainam na opisyal bilang “little mayor” at “vice mayor”, isa-isa silang tinanong at ginawang basehan ang kanilang sagot upang mapili ang karapat-dapat. Nahirang na mayor si Ivan S. Piloneo ng San Jose City Senior High School at vice-mayor naman si Jhed Esperanza mula sa Bettbien High School. Pumili rin sila ng sampung “little councilors”.
Pinangunahan ng Community Affairs ang programa sa pamumuno ni Mr. Danilo P. Ariem at sa pakikipag-ugnayan sa Teen Information Center at Youth Development Office na pinamumunuan ni Mrs. Zusette Ada Mendoza.
Dumating sa aktibidad at nagbigay ng mensahe si SP Councilor Wilfredo S. Munsayac. Nabanggit nya na isa ang Lungsod ng San Jose sa iilang bayan na masigasig na nagdiriwang ng Linggo ng Kabataan sa buong bansa taon-taon.