Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang May 15
Published: May 12, 2020 12:00 AM
PAALALA SA PUBLIKO:
Nananatili pa rin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ating lalawigan/lungsod hanggang May 15, 2020, kabilang na ang mga kaakibat na batas at alituntunin para sa ECQ.
Magiging epektibo ang General Community Quarantine (GCQ) simula May 16-31, sang-ayon sa IATF Resolution No. 35.
Sa ilalim ng GCQ, ang paggalaw o paglabas ng tao ay LIMITADO pa rin sa pag-access ng essential goods at services, at pagpasok sa trabaho ng mga empleado ng opisina/establisyimento na pinahihintulutang mag-operate. Ang lahat ng leisure activities gaya ng pamamasyal at mass gathering ay bawal pa rin.
Antabayanan lamang ang guidelines para sa GCQ na aming iaanunsiyo rito.