FARM TO MARKET Road, Binuksan; AMPALAYA Building, Pinasinayaan
Published: May 09, 2017 04:46 PM
Pormal na binuksan ang San Juan-VillaJoson-Porais Farm to Market Road Project sa pamamagitan ng isang Ribbon Cutting nitong umaga ng Mayo 9, 2017, sa Barangay Porais, San Jose City.
Ang Farm to Market Road ng Philippine Rural Development Project (PRDP) ay naglalayong makatulong sa mga magsasaka na mapabilis ang pagbibiyahe ng mga inaning gulay at palay mula sa mga taniman sa bukirin, patungo sa bagsakan sa palengke sa siyudad. Ang nasabing kalsada ay makakatulong din sa mas maayus na biyahe ng mga ani dahil sa ito ay sementado at hindi na bakubako gaya ng dati. Ang nasabing proyekto ay tulong tulong na pinondohan ng World Bank, Department of Agriculture (National), at Provincial Local Government of Nueva Ecija.
Ang Ampalaya Packing Building naman ay proyekto ng IREAP-CIVIL WORKS at pinondohan din ng World Bank, Dept. of Agriculture, Provincial Local Government Unit ng Nueva Ecija at ng SIKAP. Naglalayon itong maisaayos ang pag-aani, pag-iimpake ng aning ampalaya mula sa bukirin patungo sa bayan o bagsakan.
Dinaluhan at sinaksihan nina Provincial Agriculturist Serafin S. Santos, Regional Technical Director ng Philippine Rural Development (PRDP) Crispulo Bautista Jr. (kasama ng kanilang mga staff) at ni Mayor Mario O. Salvador ang nasabing pagbubukas ng kalsada at ground breaking ceremony ng itatayung gusali para sa Ampalaya Packing project.
Kabilang sa mga sumaksi ay ang mga punong barangay ng San Juan, Porais at Villa Joson at mga opisyales at miyembro ng mga kooperatiba sa San Jose na aktibong nakibahagi sa nasabing Proyekto: ang SIPBU, KABANGA, at KAPISOCO (SIKAP).
Pagkatapos ng inagurasyon at ground breaking ceremony ay tumuloy sa Brgy. Porais PAG-ASA gym ang mga bisita at mga miyembro ng Kooperatiba para naman sa pormal na programa at pamimigay ng “Farm Inputs”. Tinanggap ng mga miyembro ng kooperatiba (SIKAP) ang 700 bags ng Organic fertilizers, 168 na lata ng buto ng ampalaya, 140 rolyo ng plastic mulch at 700 pirasong seedling trays. Ayon sa mga taga provincial at regional Office ay may ibibigay din silang dalawang Elf Trucks sa mga susunod na linggo.
Binati ng mga taga Regional at Provincial Agricultural Office ang SIKAP dahil sa sila umano ang kaunaunahang grupo ng kooperatiba na nagsimula ng Ampalaya project sa buong Luzon.
(Melody Z. Bartolome)