Financial assistance, iginawad na sa mga iskolar ng lungsod
Published: July 09, 2019 06:02 PM
Iginawad nitong hapon, Hulyo 9 ang financial assistance para sa mga iskolar ng lungsod sa Academic Year 2019-2020.
Dumaan sa masusing pagsusuri ng isang komite na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor at ahensiya ng pamahalaan ang pagpili ng mga iskolar. Bilang resulta, 245 incoming freshmen ang napiling bagong iskolar ng lungsod. Dagdag ito sa kasalukuyang bilang ng mga iskolar na patuloy na sinusuportahan ng Lokal na Pamahalaan hanggang sila ay makatapos ng kursong inaaral.
Anim na raang (600) estudyante taon-taon ang sinusuportahan ng lungsod sa programang ito. Kailangang mamentina ng mga iskolar ang minimum grade requirement upang magtuloy ang financial assistance hanggang sila ay makatapos.
Sa susunod na linggo, mahigit 100 iskolar (higher year) ang mabibigyan din ng financial assistance. Sila naman ang nakakuha ng slots na naiwan ng mga estudyanteng natanggal sa scholarship program dahil sa iba’t ibang kadahilanan tulad ng hindi pag-mentina ng grado, paghinto sa pag-aaral, at iba pa.
Tinalakay sa pulong ni Leonardo T. Astrero, kinatawan ng City Human Resource and Management Office (CHRMO) ang kahalagahan ng performance sa pag-aaral para patuloy na manatili sa programa. Binanggit niya na kailangang magsumite ng report kada semestre ang bawat iskolar.
Dumalo sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang, Joel S. Yacan - Head of Special Projects at City Councilor Patrixie Salvador sa aktibidad. Binigyang diin nila ang kahalagahan ng edukasyon at pinaalalahanan ang mga iskolar na mag-aral mabuti.
Ang SJC-LGU Scholarship Program ay masugid na sunusuportahan ni Mayor Kokoy Salvador upang mabigyan ng pag-asang makapag-aral ang mga kabataan sa lungsod na may angking talino pero kapos sa kabuhayan. Mula sa 5,000 pesos kada semestre, tumaas na sa 7,000 pesos ang financial assistance na natatanggap ng mga iskolar buhat nang siya ay manungkulan bilang Punong Lungsod.