Higit 300 mag-aaral, nagtapos sa ALS
Published: July 22, 2019 04:37 PM
Bakas ang ngiti sa 333 mag-aaral makaraang sila ay matagumpay na nakapagtapos sa programang Alternative Learning System o ALS ng DepEd, nito lamang Hulyo 19 sa K of C hall, Malasin.
Labing-isa (11) ang nagtapos sa elementarya at 322 ang nagtapos sa hayskul. Pinakamatanda namang nagtapos sa kanilang batch ang 49 na taong gulang na si Esther Valencia.
Naging panauhing tagapagsalita ang pangulo ng Sangguniang Kabataan (SK) na si Melanie E.Garcia, kung saan ibinahagi niya ang kaniyang mga personal na kuwento ng pagsusumikap at pagtitiyaga hanggang sa marating niya ang kaniyang posisyon ngayon.
Dumalo sa ALS graduation si Vice Mayor Glenda Felimon Macadangdang upang magpakita ng suporta at pagbati sa mga nagsipagtapos, gayundin ang ilang kawani ng DepEd San Jose sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Alberto P. Saludez.