Higit 3,000 magsasaka, may libreng binhi ng sibuyas
Published: October 26, 2018 02:52 PM
Mabibigyan ng libreng Red Pinoy Onion Seeds ang higit tatlong libong magsisibuyas sa lungsod bilang ayuda ng pamahalaan (National Government) sa mga naapektuhan ng army worms o harabas noong Marso ng taong ito.
Matatandaang nagdeklara ng State of Calamity ang Lokal na Pamahalaan matapos umabot sa higit sampung libong ektarya ang lawak ng taniman ng sibuyas ang inatake ng harabas.
Ayon kay City Agriculturist Violeta Vargas, may kabuuang 17,800 na lata ng Red Pinoy Onion Seeds ang natanggap ng lungsod bilang subsidy o tulong mula sa National Government sa pakikipag-ugnayan ng Tanggapan ng Punong Lungsod.
Idinaos ang pamamahagi ng binhi nitong Oktubre 25 sa Tanggapan ng Lungsod ng Pananakahan (City Agriculture’s Office) sa Malasin kung saan dumalo si Mayor Kokoy Salvador at personal na iginawad ang mga binhi sa mga benepisyaryo.
Hiling ni Vargas sa mga magsisibuyas na pagyamanin ang tatanggaping tulong at huwag itong ibebenta.
Sinang-ayunan naman ito ng Punong Lungsod at sinabing nais niyang ang mga magsasaka mismo ang makinabang nito. Aniya, ang mga matutuklasang hindi itinanim ang mga natanggap na binhi ay tatanggalin sa listahan ng mga benepisyaryo at hindi na muling mabibigyan ng mga susunod na tulong mula sa pamahalaan.