News »


Ikatlong POWAS sa Palestina, pinasinayaan

Published: July 08, 2022 10:03 AM



Pormal nang ibinigay ng lokal na pamahalaan ang pamamahala sa ikatlong POWAS sa Palestina na matatagpuan sa Zone 2 sa isang seremonyas na isinagawa nitong Huwebes (Hulyo 7).

Isang daang pamilya ang inaasahang makikinabang sa nasabing proyekto at kasalukuyang pinag-uusapan kung magkano ang babayaran kada buwan na dedepende sa kanilang magiging konsumo.

Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador ang panunumpa ng lupon ng katiwala na mamamahala sa nasabing POWAS. Naitalaga bilang Chairman si Ambrocio Nava.

Dumalo rin sa inagurasyon at nagpakita ng suporta si Vice Mayor Ali Salvador kasama sina Konsehal Mawie Munsayac, Roy Andres, Doc Susan Corpuz, at Lucia Naboye.

Naroon din ang mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Kapitan Rufino Estabillo.