News »


Inagurasyon at Pagbabasbas ng Balay Silangan

Published: July 30, 2022 09:34 AM



Pormal na pinasinayaan nitong Hulyo 29 ang Balay Silangan sa lungsod, isang reformation at rehabilitation center para sa mga drug offender.

Isinagawa ang ceremonial ribbon-cutting ceremony ng naturang gusali sa pangunguna nina Mayor Kokoy Salvador at Regional Director Bryan Babang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Dumalo rin dito sina PLTCOL Cesar Manucdoc, Deputy Provincial Director for Administration; PLTCOL Palmyra Guardaya, San Jose City Chief of Police; Vice Mayor Ali Salvador; Dr. Josephine Pascual at Roselle Carrasco bilang kinatawan ng City Health Office (CHO).
Pinangunahan naman ni Rev. Fr. Getty Ferrer ang pagbabasbas ng gusali na dating barangay hall ng Sto. Nino 1st.

Bukod dito, lumagda rin sa Manifesto of Commitment ang mga dumalo bilang suporta na naturang community-based reformation program ng PDEA.

Ginawaran din ng pagkilala sina Mayor Kokoy, Vice Mayor Ali, PLTCOL Guardaya, at PLTCOL Manucdoc.

Taong 2018 nang ilunsad ang programang ito na may layuning mareporma at matulungang makapagbagong buhay ang mga drug offender o mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot.