News »


Insecticide-Treated Net, muling ipinamahagi

Published: July 26, 2017 05:22 PM



Malugod na tinanggap ng mga residente ng Sitio Maasip, Brgy. Tayabo at Batong Lusong, Brgy Villa Floresta ang 100 Long Lasting Insecticide-Treated Net o LLITN na ipinamahagi ng Lokal na Pamahalaan sa mga lugar na tinatayang high risk sa panganib na dala ng dengue.

Dagdag pa rito ay namahagi rin ng 20 buntis package na naglalaman ng parehong mosquito net, vitamins at nanay booklet.

Dahil sa maagap na aksyon ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng CHO Sanitation Office at sa tulong ng Pilipinas Shell na syang nag-donate ng mga kulambong may gamot ay naisakatuparan ang hiling ng mga residente roon na mapagkalooban ng kulambong panlaban sa lamok.

(Rozz Agoyaoy – Rubio)