Inter-Barangay Basketball and Volleyball Tournament Championship
Published: June 02, 2017 10:30 AM
Malakas na hiyawan ang bumalot sa buong Pag-asa Sports Complex sa katatapos na Inter-Barangay Basketball and Volleyball Tournament Championship nitong Mayo 31. (May 31)
Umaatikabong sagupaan sa basketball ang naganap sa pagitan ng Barangay Abar 1st at Malasin, ngunit sa huli ay nakamit ng koponan ng Abar ang kampeonato sa final score na 105-98.
Kaugnay nito, pinarangalang Most Valuable Player (MVP) si Emmanuel Lipana ng Abar 1st at siya’y nakatanggap ng tropeo at isang libong piso.
Kinilala naman bilang Mythical 5 sina Lipana, Molina, dela Cruz, MaraSat Lamson na pawang nakatanggap ng Php500.
Samantala, pinataob ng Villa Joson ang Sto. Niño 2nd sa ikatlong set ng Men’s Volleyball Tournament at itinanghal naman si Daryll Collado ng Villa Joson bilang MVP.
Nagwagi rin sa Women’s Category ang R. Eugenio kontra sa Manicla sa final score na 3-1 at iginawad ang MVP award kay Aira Ventura.
Nakatanggap naman ng tropeo at PHP12,000 ang mga koponang nagkamit ng kampeonato.
-Aldritch Pioquinto