News »


Inter-Barangay Basketball & Volleyball

Published: June 11, 2019 04:53 PM



Malakas na hiyawan ang bumalot sa buong Pag-asa Sports Complex sa katatapos na Inter-Barangay Basketball and Volleyball Tournament Championship nitong Hunyo 8.

Nahati sa dalawang kategorya ang Basketball Tournament, ang SK Division (20 years old & below) at SR Division (21 years old & above).

Umaatikabong sagupaan sa ilalim ng SK Division ang naganap sa pagitan ng Barangay Caloocan at Sto. Niño 1st, ngunit sa huli ay nakamit ng koponan ng Caloocan ang kampeonato.

Samantala, taob ang Brgy. Palestina sa isang mainit na laban kontra Brgy. Manicla para sa Basketball SR Division.

Kaugnay nito, pinarangalang Most Valuable Player (MVP) sina Paolo Pascual mula sa SK Division at Jordan Salcedo para naman sa SR Division.

Dagdag pa rito, pinataob ng R. Eugenio ang Sibut sa Over-all Volleyball Women Division at itinanghal si Elaine Tintero bilang MVP.

Nagwagi rin sa Volleyball Men’s Category ang Villa Joson kontra sa Pinili at iginawad ang MVP award kay Daryll Collado.

Nakatanggap naman ng tropeo at cash prize ang mga nagwaging koponan ng basketball at volleyball.